Ang Kahulugan ng ‘Aqeedah
Ang ‘aqeedah sa wika:
Ito ay kinuha mula sa salitang (‘aqd) kontrata, at ito ay ang pagtali at paghigpit ng malakas.
Sa pangrelihiyong terminolohiya:
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat na pinapatotohanan ng puso, at napapanatag dito ang kaluluwa, hanggang sa maging tiyak at matibay, hindi nababahiran ng pag-aalinlangan at hindi nahahaluan ng pagdududa.
Kaya ang ibig sabihin ng ‘aqeedah:
Ito ay ang matibay na paniniwala sa Allah, at sa anumang napapaloob dito sa Kanyang pagka-Diyos, sa Kanyang pagka-Panginoon, at sa Kanyang mga Pangaan at mga Katangian.
At ang paniniwala sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Qadar mabuti man ito o masama, at sa lahat ng tamang naiparating na mga katibayan mula sa mga saligan ng relihiyon at mga bagay na hindi nakikita at ang mga nabanggit tungkol dito.
Comments
Post a Comment