Ang paniniwala sa mga Pangalan ng Allah at sa Kanyang mga Katangian
Ang paniniwala sa lahat ng pinagtibay ng Allah para sa Kanyang Sarili mula sa Kanyang Aklat o sa Sunnah (katuruan) ng Kanyang Sugo tungkol sa mga Pangalan at mga Katangian nang ayon sa marangal na pamamaraan angkop para sa Allah.
Samakatuwid, ang Dakilang Allah ang may angkin ng mga Naggagandahang Pangalan at Pinakaganap na mga Katangian, walang makatutulad sa Kanya sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah:
لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرل
{Walang anupaman ang makakatulad sa Kanya, at Siya ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakakita}.
[Qur’an Surah Ash-Shura (42): 11]
Samakatuwid, ang Allah ay malayong maitutulad sa alinman sa Kanyang mga nilikha sa lahat ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian.
Comments
Post a Comment