Ang Kahulugan ng ‘Aqeedah
Ang ‘aqeedah sa wika: Ito ay kinuha mula sa salitang (‘aqd) kontrata, at ito ay ang pagtali at paghigpit ng malakas. Sa pangrelihiyong terminolohiya: Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat na pinapatotohanan ng puso, at napapanatag dito ang kaluluwa, hanggang sa maging tiyak at matibay, hindi nababahiran ng pag-aalinlangan at hindi nahahaluan ng pagdududa. Kaya ang ibig sabihin ng ‘aqeedah: Ito ay ang matibay na paniniwala sa Allah , at sa anumang napapaloob dito sa Kanyang pagka-Diyos, sa Kanyang pagka-Panginoon, at sa Kanyang mga Pangaan at mga Katangian. At ang paniniwala sa Kanyang mga Anghel , sa Kanyang mga Aklat , sa Kanyang mga Sugo , sa Huling Araw , at sa Qadar mabuti man ito o masama, at sa lahat ng tamang naiparating na mga katibayan mula sa mga saligan ng relihiyon at mga bagay na hindi nakikita at ang mga nabanggit tungkol dito.
Comments
Post a Comment