Posts
Ang Kahulugan ng ‘Aqeedah
- Get link
- X
- Other Apps
Ang ‘aqeedah sa wika: Ito ay kinuha mula sa salitang (‘aqd) kontrata, at ito ay ang pagtali at paghigpit ng malakas. Sa pangrelihiyong terminolohiya: Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat na pinapatotohanan ng puso, at napapanatag dito ang kaluluwa, hanggang sa maging tiyak at matibay, hindi nababahiran ng pag-aalinlangan at hindi nahahaluan ng pagdududa. Kaya ang ibig sabihin ng ‘aqeedah: Ito ay ang matibay na paniniwala sa Allah , at sa anumang napapaloob dito sa Kanyang pagka-Diyos, sa Kanyang pagka-Panginoon, at sa Kanyang mga Pangaan at mga Katangian. At ang paniniwala sa Kanyang mga Anghel , sa Kanyang mga Aklat , sa Kanyang mga Sugo , sa Huling Araw , at sa Qadar mabuti man ito o masama, at sa lahat ng tamang naiparating na mga katibayan mula sa mga saligan ng relihiyon at mga bagay na hindi nakikita at ang mga nabanggit tungkol dito.
Da'wah Training Course Performed by One of Our Long Course Students
- Get link
- X
- Other Apps
Ang Iyong Bagong Buhay
- Get link
- X
- Other Apps
Katotohanan, ang sandali ng pagpasok ng tao sa Islam ang siyang pinakadakilang sandali ng kanyang buhay, at sa katotohanan ito ang tunay niyang kapanganakan, na kung saan ay kanyang natutunan pagkaraan nito ang dahilan ng kanyang pagkakaroon ng buhay dito sa mundong ito, at paano siyang mabuhay at mamuhay nang ayon sa mapagparayang Batas ng Islam.